A LIFE THAT IS VERY COLORFUL IN NATURE
Two days ago, we had an instant dinner in our humble home. 'Yon bang hapunan na pangkaraniwan lamang o sabihin nating pampamilya lang. We had Humbang Baboy, ginisang bitter Melon, Longganisa, Paksiw na Tilapia at ang walang sawang tuyo.
Meron din akong maraming bring house from Kyle's birthday na hindi ko pa nabuksan kaya iniinit din namin kasi ang sarap naman, gaya ng Chicken curry, kari-kari, kaldereta, dinuguan, ginisang monggos at pansit.
Sa totoo lang, grabe talaga ang kasayahan na aming naramdaman bilang magkaibigan. Ang katuwaan at tawanan ay hindi mapantayan at hindi pwedeng maipagbili. Napakaraming nakakatawang kwento in fairness. Kaya tuloy puro hangin ang napasok sa system ko instead na pagkain dahil sa non-stop na tawanan.
Pagkatapos ng aming munting hapunan, tuloy-tuloy ang kasiyahan sa awitan at sayawan. Mababaw lang talaga ang aming hangad sa buhay which is ang maging masaya.